7-M katao namamatay kada taon dahil sa maruming hangin-WHO
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - May 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng World Health Organization (WHO) na umaabot sa 7 milyon katao sa iba’t ibang panig ng mundo ang namamatay kada taon dahil sa paglanghap ng maduming hangin.

Ito’y matapos na lumabas sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ng WHO sa lebel ng polusyon ng hangin sa labas at loob ng bahay o gusali.

Ayon sa WHO, isa sa bawat 10 o 90 por­syento ng populasyon ng mundo ang lumalanghap ng maruming hangin.

Lumabas pa sa pag-aaral ng WHO na, bagaman banta sa lahat ng panig ng mundo ang polusyon, mas malala ito at mas maraming namamatay dahil dito sa mga mahihirap na bansa sa Asya at Africa.

Mas makabubuti pa ring magtakip ng  ilong habang nasa labas ng  bahay dahil sa matin­ding usok na mula sa mga sasakyan at mga maruruming bagay.

WORLD HEALTH ORGANIZATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with