DOJ officials naghain na ng resignation
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na nakapaghain na ng kani-kanilang resignation letter ang mga undersecretaries at assistant secretaries ng DOJ na kasabayan noon ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nanungkulan.
Ang paghahain ng resignation letter ng mga Usec at Asec ay kasunod ng pagpapalabas niya ng memorandum na magsumite ng pagbibitiw ang mga ito upang mas mapabuti pa ang Kagawaran.
Nakasaad sa memorandum na inilabas nono Abril 24 na hanggang kahapon lamang maaaring maghain ng resignation ang mga opisyal.
Ito ay pagbibigay ng laya kay Guevarra na makapamili ng kanyang mga trusted na opisyal para na rin sa maayos na trabaho sa DOJ.
- Latest