State of calamity sa Boracay
MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Huwebes ang proklamasyon upang ideklara ang state of calamity sa isla ng Boracay.
Sakop ng proklamasyon ang tatlong barangay – Manoc-Manoc, Balabag at Yapak – sa pamosong tourist destination sa mundo.
“In this regard, the temporary closure of the island as a tourist destination for six months starting 26 April 2018, or until 25 October 2018, is hereby ordered, subject to applicable laws, rules, regulations and jurisprudence, “ nakasaad sa kautusan.
Inilabas ang Proclamation No. 475 bago magtungo ng Singapore si Duterte para dumalo sa 32nd Association of Southeast Asian Nations.
Sa ilalim ng state of calamity ay magkakaroon ng price freeze sa mga pangunahing bilihin, habang magagalaw naman ang emergency fund na siyang gagamitin para sa mga apektadong residente.
Isinara ang Boracay upang ipatupad ang rehabilitasyon ng isla.
Related video:
- Latest