La Salle Bacolod grad nanguna sa 2017 bar exam
MANILA, Philippines – Isang graduate ng University of St. La Salle sa Bacolod ang nakakuha ng pinakamataas na grado sa 2017 bar exam.
Inihayag ng Korte Suprema ngayong Huwebes na tanging 1,724 lamang ang nakapasa sa pagsusulit mula sa 6,748 na kumuha.
Si Mark John Simondo ang bar top notcher na may gradong 91.05 percent.
Bar Exams Top 20 list. Mark John Simondo of University of St. La Salle topped the bar exams. @PhilstarNews pic.twitter.com/UQjF8GbL8g
— Kristine Patag (@kristinepatag) April 26, 2018
Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga pumasa sa pagsusulit kumpara sa passing rate noong 2016 na 59.06 percent.
Nakatakdang gawin ang oath taking ng mga bagong abogado sa Hunyo 1 sa Philippine International Convention Center.
- Latest