^

Bansa

Boracay isasailalim sa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Boracay isasailalim sa state of calamity
Sa pamamagitan ng buhangin ay nagsulat ng mensahe ang mga batang turista kaugnay ng nakatakdang pagsasara ng Boracay.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Duterte na isailalim na sa state of calamity ang Boracay Island para maging maayos ang isasagawang rehabilitas­yon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairman ng NDRRMC, ito’y kaugnay ng pagsasara ng Boracay sa loob ng anim na buwan simula bukas, Abril 26.

Ang nasabing rekomendasyon ay ipinadala na sa Malacañang upang aprubahan ni Pangulong Duterte.

Bukod sa paglilinis sa buong isla ay gigibain din ang mga istrakturang lumalabag sa mga patakaran para mapanatili ang kalinisan dito.

Kabilang sa mga apek­tado ng rehabilitasyon ay Brgy. Manoc-Manoc, Balabag at Yapak; pa­wang nasasaklaw ng apat na hektaryang Boracay Island sa Malay, Aklan.

Ipinunto ni Lorenzana na ang rehabilitasyon sa ilalim ng state of calamity ay maaring tumagal ng anim na buwan o higit pa depende sa bilis ng kooperasyon at pagkakaisa upang malinis sa anumang polusyon ang isla.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng DILG at DENR na ang polusyon sa katubigan ng Boracay Island ay sanhi ng hindi tamang ‘waste management” sa mga protected areas na grabeng nakaapekto sa kapaligiran at kalikasan ng pamosong isla.

“Findings of the DOST further revealed that beach erosion is prevalent in Boracay Island, particularly along the West Beach where as much as 40 meters of erosion has taken place in the past 20 years from 1993 to 2003, and is largely due to storms, extraction of sand along the beach to raise properties, and structures along the foreshore,” ani Lorenzana.

Related video:

vuukle comment

BORACAY ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with