^

Bansa

Boracay, mistulang ‘war zone’

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
Boracay, mistulang �war zone�
Ayon sa pari, hindi ito itinuturing ng mga residente na “closure” at sa halip ay rehabilitasyon lamang para sa ikabubuti ng kanilang isla at para rin sa kabutihang idudulot nito sa mamamayan.
PRO-6 photo

MANILA, Philippines — Bagama’t tila war zone ang Isla ng Boracay, positibo pa rin ang pagtingin ni Father Jose Tudd Belandres, Parish priest ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Boracay Island, sa nalalapit na pagsasara sa isla dahil sa paglabag sa environmental laws.

Ayon sa pari, hindi ito itinuturing ng mga residente na “closure” at sa halip ay rehabilitasyon lamang para sa ikabubuti ng kanilang isla at para rin sa kabutihang idudulot nito sa mamamayan.

Gayunman, hindi pa rin nawawala ang pangamba ng pari dahil magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin malinaw na nailalatag sa kanila ang kongkretong plano ng pamahalaan sa gagawing rehabilitasyon sa Boracay.

Bukod dito, nakapagtataka rin ayon kay Father Belandres na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin isinasailalim sa State of Calamity ang kanilang isla gayong ito ang unang inihayag ng pamahalaan.

Inilarawan pa ng pari ang kasalukuyang sitwasyon sa Boracay na tila isang “war zone” dahil sa rami ng mga pulis na nakadeploy at nakasuot pa ng ati-riot gear.

Sa kabila nito, tiniyak ni Father Belandres na magpapatuloy ang normal na gawain sa kanilang Parokya.

Aniya, hindi maaapek­tuhan ng pagpapasara sa isla ang mga Pastoral Works na inihahatid nito sa mga tao at tanging ang mga aktibidad lamang na magmumula sa labas ng isla ang nakansela.

Related video:

vuukle comment

BORACAY ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with