Ayon kay Grab country manager Brian Cu, ang hakbang ay bahagi ng kampanya ng tanggapan na malinis ang operasyon mula sa mga pasa­way na drivers na tumatanggi sa bookings ng pasahero.
File
500 pasaway na drivers dinisiplina ng GRab
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — May 500 drivers ng Grab Philippines ang dinisiplina nito nang matanggap ang reklamo ng mga kliyente sa pagkansela ng bookings sa mga pasahero.

Ayon kay Grab country manager Brian Cu, ang hakbang ay bahagi ng kampanya ng tanggapan na malinis ang operasyon mula sa mga pasa­way na drivers na tumatanggi sa bookings ng pasahero.

 Ayon sa kumpan­ya, ang mga drivers nila na may 10 percent pataas na cancellation rate kada lingo ay may kaakibat na suspension at ng dumalas pa ay iba-‘ban’ na ito sa platform.

 Kaugnay nito, hiniling naman ni Cu na kung pasahero ang nagpapa-cancel ng bookings ay gawing balido ang rason. Anya, hindi na lalampas pa sa 7 minuto ang paghihintay sa unit makaraang magpa- booking.

Sinasabing ang may 11 percent driver cancellation rate ay dulot ng pagsuspinde ng LTFRB sa  P2 per minute travel charge.

Dahil anya sa pagtanggal sa P2 per mi­nute charge at sa ma­tinding  traffic, hindi na gaanong kumikita ang driver kayat kung minsan hindi na napupuntahan ng ilang driver ang nagpa-book na pasahero.

DRIVERS GRAB PHILIPPINES
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with