Retirement benefit sa OFWs isinulong
MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang pagbibigay ng retirement benefits sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa ilalim ng tatlong pinagsanib na panukala sa House of Representatives, magtatalaga ng social pension fund para sa mga OFWs para sa kanilang pension at iba pang benepisyo sakaling masawi o magkaroon kapansanan.
Itinatakda nito na i-require ang mga OFW na rehistrado sa Philippine Overseas Employment Administration na i-remit ang 5% ng kanilang kita kada buwan sa pension fund sa loob ng sampung taon para pondohan ang pension benefits bukod sa buwanang kontribusyon.
- Latest