^

Bansa

Naghain ng COCs kaunti lang - Comelec

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na kakaunti lamang ang mga naghain ng COCs o Certificate of Candidacy para sa Barangay at SK elections na nakatakda sa susunod na buwan.

Ito’y sa kabila ng ginawang pagpapalawig para sa filing ng COCs noong Sabado, Abril 21.

Gayunman, sinabi ni Comelec Spokesman Dir. James Jimenez na naging mapayapa naman ang extension ng deadline para sa filing ng COCs na nagsara eksaktong ala-5 ng hapon.

Samantala, nagpalabas naman ng panuntunan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko para maging gabay sa kanilang mga ihahalal na kandidato sa mga barangay.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, dapat tandaan ang tatlong “M” o ang kandidatong Matino, Mahusay at Maaasahan.

Ani Diño, hindi dapat na iboto ang mga kapitan at kagawad na sugarol at lasenggo dahil pangu­ngurakot o pagnanakaw lamang ang gagawin ng mga ito.

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with