^

Bansa

Malawakang protesta sa May 1 ikinakasa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Malawakang protesta sa May 1 ikinakasa
Ayon kay Casilao, noong nakaraang taon pa ay nakaramdam na ang mga manggagawa na ang pangako para wakasan ang endo ay puro paasa lamang.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nagbabala si Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa malawakang kilos protesta sa ?May 1 o Araw ng Paggawa matapos na hindi mag-isyu ng Executive Order si Pangulong Duterte para matigil na ang “endo”.

Ayon kay Casilao, noong nakaraang taon pa ay nakaramdam na ang mga manggagawa na ang pangako para wakasan ang endo ay puro paasa lamang.

Sinabi pa ng kongresista na hindi dapat umasa sa lehislasyon ng Kongreso ang publiko matapos na ipasa ng Pangulo sa mga mambabatas ang pangakong tapusin ang endo.

Giit pa ni Casilao, ang House Bill 6908 o Security of Tenure Bill na nakabinbin ngayon sa Kamara ay isang “job-contracting bill” sa halip na ipagbawal ang kontraktwalisasyon.

Paliwanag pa niya na ang House Bill 556 o Anti-Contractualization of Labor Bill na layong alisin ang probisyon ng Presidential Decree 442 ng Labor Code para sa kontraktwalisasyon ay isinama sa ibang house measures at naiba na ang final version ng panukala.

Patunay lamang umano sa mga hakbang na ito na hindi seryoso ang Pangulo at ang Kongreso na wakasan ang endo kaya dapat na kumilos dito ang publiko.

vuukle comment

ENDO RALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with