^

Bansa

Nationwide surprise inspections sa police stations – Albayalde

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Nationwide surprise inspections sa police stations � Albayalde
Ayon kay Albayalde, patuloy din niyang imomonitor ang kaniyang mga tauhan sa iba’t-ibang mga himpilan lalo na kapag may reklamo laban sa mga ito ang publiko.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipatutupad ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief P/Director General Oscar Albayalde ang pagsasagawa ng surprise inspections sa lahat ng mga himpilan ng pulisya sa buong bansa upang matiyak na nagtratrabaho ng maayos ang kapulisan.

Ayon kay Albayalde, patuloy din niyang imomonitor ang kaniyang mga tauhan sa iba’t-ibang mga himpilan lalo na kapag may reklamo laban sa mga ito ang publiko.

“Kung may nakukuha tayong text messages from our kababayan na meron pa rin (hindi nagtatrabaho) then we will go directly dun sa lugar na ‘yun o sa nasasakupang station na ‘yun,” pahayag ni Albayalde sa kauna-unahang press briefing nito sa Camp Crame kahapon.

Sinabi ni Albayalde na kung kinakailangang siya mismo ang magtungo sa lugar upang panagutin ang mga nagkakasalang pulis sa mga himpilan ay kaniya itong gagawin.

Bago natalaga bilang PNP Chief si Albayalde ay ito ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung saan maraming mga pulis na natutulog at nag-iinuman sa kanilang mga himpilan ang sinibak ng opisyal.

Gayundin, sinibak din ni Albayalde ang mga opisyal at tauhan ng pulis­ya na marurumi ang mga himpilan sanhi ng mga nagkalat na basura.

Sa pahayag ni Alba­yalde nais niyang pangu­nahan mismo ng mga hepe ng pulisya, provincial at city directors ang pagsasagawa ng sorpresang pag-iinspeksyon upang alamin ang kahandaan ng kanilang mga tauhan.

Idinagdag pa ni Alba­yalde na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapagbuti ang serbisyo publiko.

vuukle comment

PNP CHIEF P/DIRECTOR GENERAL OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with