^

Bansa

P2 per minute ng Grab, inalis na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P2 per minute ng Grab, inalis na
Ito ang inanunsyo ni Brian Cu, country head ng Grab Philippines, bilang tugon anya sa utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ihinto ang pagsingil sa P2 per minute charge.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Simula alas-12 ng hatinggabi ng April 19 ay hindi na naniningil ng P2 per minute charge ang Grab Philippines

Ito ang inanunsyo ni Brian Cu, country head ng Grab Philippines, bilang tugon anya sa utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ihinto ang pagsingil sa P2 per minute charge.

“Ngayon, ang components ng ating fares na nakikita sa Grab app ay ang per kilometer na lang at ang base fare pati na rin ang surge,” pahayag ni Cu.

Gayunman, sinabi ni Cu na ang kumpanya ay magsasampa ng mosyon sa ahensiya para maibalik ang naturang paniningil.

Nilinaw ni Cu na wala silang nilalabag na batas at tumatalima lamang sila sa department order 2015-001 ng DOTC noon na nagkakaloob sa kanila ng pahintulot na magtak­da ng sariling singil sa pasahe sa kanilang mga pasahero.

Sinabi pa nito na ang P2 per minute charge ay hindi naman napupunta sa kumpanya kundi sa kanilang mga driver.

vuukle comment

GRAB PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with