Panibagong reklamo sa Dengvaxia inihain sa DoJ
MANILA, Philippines — Isang panibagong reklamo na may kaugnay sa Dengvaxia ang inihain sa Department of Justice (DoJ) katuwang ang Public Attorney’s Office (PAO).
Ang reklamo ay inihain ng mga magulang ni Abbie Hedia, 13, mula sa Muntinlupa City na nabakunahan ng Dengvaxia noong November 17, 2017 at namatay nito lamang February 10, 2018.
Mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, at torture resulting in the death of any person and torture committed against children na paglabag sa Republic Act No. 9745 ang isinampang reklamo ng mag-asawang Ariel at Ruby Hedia.
Ang kaso ni Hedia ay panglima sa mga batang namatay na naturukan ng Dengvaxia na inihain sa DoJ.
Pero bukod kina dating Health Secretary Janette Garin, kasama na rin sa mga pinangalanang respondent si DoH Secretary Francisco Duque III.
Sa mahigit 30 respondent na inireklamo, kasama rito ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur, Zuellig Pharma, at mga dati at kasalukuyang opisyal ng DoH.
Ayon sa pagsusuri ng mga forensic expert ng PAO, dumanas si Hedia ng multiple organ failure at brain hemmorrhage.
- Latest