^

Bansa

P2 per minute ng Grab, ipinatigil ng LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinatigil ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Grab Philippines ang paniningil ng mga ito ng P2 per minute charge sa mga pasahero.

Pinag-aaralan din ng LTFRB ang isang Department Order 2015-001 ng DOTC noon na nagbigay ng pahintulot sa Grab na sila mismo ang magde-decide sa halaga ng singil sa kanilang pasahe.

Sinasabing na-pressure umano ang LTFRB sa mga reklamo hinggil sa isyu kaya’t nagdesisyon na ipatigil ang pagsingil sa umano’y “hidden surcharge” ng Grab.

Una rito, hiniling ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list Rep. Jericho Nograles  sa LTFRB na i-refund ang nasingil na P2-per-minute charge ng Grab sa kanilang mga pasahero.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na hindi aprubado ng LTFRB ang P2 per minute charge pero ginigiit ng Grab na nakapaloob sa naturang kautusan ng DoTC ang ginawa nilang paniningil sa kanilang mga pasahero.

vuukle comment

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with