Aquino, Garin, Abad pinakakasuhan sa Dengvaxia
“Aquino, Garin, Abad and other officials are primary conspirators and must be held criminally liable... and must be pro­secuted for all the tragedy, damage and possible deaths resulting from the Dengvaxia mass vaccination program,” pahayag ni committee chairman Sen. Richard Gordon sa isang press conference.
Aquino, Garin, Abad pinakakasuhan sa Dengvaxia
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Se­nate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health secretary Janette Garin at dating Budget secretary Florencio Abad dahil umano sa pagsasabwatan sa pinasok na P3.5 billion Dengvaxia deal na naglagay sa pa­nganib sa buhay ng mga batang nabakunahan.

“Aquino, Garin, Abad and other officials are primary conspirators and must be held criminally liable... and must be pro­secuted for all the tragedy, damage and possible deaths resulting from the Dengvaxia mass vaccination program,” pahayag ni committee chairman Sen. Richard Gordon sa isang press conference. 

Ayon kay Gordon, ipinilit ng mga dating opis­yal ang deal kahit kulang sa pagsusuri ang bakuna.

Nakasaad din sa report na mananagot si Aquino dahil pinayagan niya ang pagbili ng anti-dengue vaccine at ang naging paggamit nito ay nagdulot ng “irrever­sible damage,” “possibly death” sa mga kabataang naturukan, pagkabahala at gastos sa mga magulang ng bata. 

Sa halip aniya na isang professional doctor na may magaling na credentials at hindi matatawarang reputasyon, inilagay ni Aquino si Garin na mamuno sa DoH, na inilarawan niya bilang isang pulitiko mula sa maimpluwensiya at makapangyarihang political clan sa Visayas.

Nakasaad din sa report na ang pinakamala­king kasalanan ni Aquino ay inilagay nito sa pa­nganib ang buhay ng mga bata.

“The greatest sin and transgression of Aquino was to put the lives of Filipino children in grave peril. He simply did not care. Siya ay manhid at walang malasakit. Napakaraming magulang ang nag-aalala, balisa, at hindi makatulog. Hindi nila natitiyak kung anong sasapitin ng buhay ng kanilang mga supling,” nakasaad sa ulat.

Bagaman at walang kinalaman sa imbestigasyon, binanggit din ang character umano ng da­ting Pangulo na hindi bumisita sa mga namatay na sundalo sa Mamasapano tragedy na nagpapakita umano na isa itong manhid.

Ang pakikipagkita aniya ng dating presidente sa mga opisyal ng Sanofi sa Beijing noong Nobyembre 2014 at Dis­yembre 2015 ay paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public officials and Employees.

Minadali umano ang pagbili ng Dengvaxia vaccines at hindi rin pinakinggan ang babala ng mga eksperto sa masamang epekto na maaaring idulot nito.

Bukod kina Aquino, Garin at Abad, inirekomenda rin ng komite na sampahan ng paglabag sa R.A. 3019 o Anti-graft and Corrupt Practices Act; R.A. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sina Dr. Julius Lecciones, executive director ng Philippine Children’s Medical Center; Dr. Kenneth Hartigan-Go, Dr. Lourdes “Lulu” Santiago, Dr. Melody Zamudio, Dr. Joyce Ducusin at Dr. Mario Baquilod.

Pinasasampahan naman ng kasong perjury/false testimony si Lyndon See Suy, head ng immunization program sa ilalim ni Garin, dahil sa testimonya nito noong Marso 13 na hindi na siya kasali sa Dengue program pero hindi naman umano totoo ito.

Idinagdag din ni Gordon na kapag napatuna­yan na Dengvaxia talaga ang dahilan kaya namatay ang mga batang naturukan ng bakuna, maaring madagdagan ang kaso nina Aquino at masampahan ng homicide.

Pinakakasuhan naman ang Sanofi ng pag­labag sa probisyon ng Civil Code on Quasi-delict dahil sa pagbebenta ng depektibong produkto na naglagay umano sa buhay ng mga bata sa panganib at maari ring maging sanhi ng kamatayan ng mga ito.

Ang nasabing report ay draft pa lamang at ipapaikot sa mga committee members para kanilang malagdaan at ihaharap sa plenaryo sa pagbabalik ng sesyon sa susunod na buwan.

SE­NATE BLUE RIBBON COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with