SC ibinasura ang hirit na bail ni Napoles
(Pilipino Star Ngayon) - April 3, 2018 - 6:47pm

MANILA, Philippines — Ibinasura ng Korte Suprema ang hirit na makapagpiyansa ng tinaguriang pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles.

Kinatigan ng mataas na hukuman ang desisyon ng Sandiganbayan na hindi payagang makakuha ng pansamantalang kalayaan si Napoles.

Sa apela ni Napoles, ginamit ng kaniyang kampo ang naging desisyon ng Korte Suprema sa plunder case ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Pinayagan ng mataas na hukuman ang demurrer to evidence ni Arroyo na naging dahilan ng kaniyang pagkakalaya at pagkakabasura ng kaso.

Sinabi ng korte na maaari lamang gamitin ang demurrer to evidence sa pagdinig ng kaso at hindi sa pag-apela na makapagpiyansa.

“The resolution of this issue does not involve an inquiry as to whether there was proof beyond reasonable doubt that Napoles, or her co-accused as the case may be, was the main plunderer for whose benefit the ill-gotten wealth was amassed or accumulated,” nakasaad sa desisyon ng korte.

“It was sufficient that the denial of her bail application was based on evidence establishing a great presumption of guilt on the part of Napoles,” dagdag nila.

Noong Pebrero 6 pa ito hinatulan ng korte ngunit ngayon lamang ito naibigay sa mga mamamahayag.

Lumabas ang desisyon tatlong linggo bago ipasok si Napoles sa witness protection program ng Department of Justice.

 

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with