^

Bansa

Sibakan sa Executive ‘di pa tapos - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sibakan sa Executive �di pa tapos - Duterte

Gagawin umano ng Pangulo ang pagsibak sa mga opisyal sa pagbabalik nito sa Maynila pagkatapos ng Holy Week. File

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Duterte na marami pa siyang sisibaking opisyal sa Executive Department.

Gagawin umano ng Pangulo ang pagsibak sa mga opisyal sa pagbabalik nito sa Maynila pagkatapos ng Holy Week.

Dumalo ang Pangulo kamakalawa sa ika-16 na ani­bersaryo ng pagkakatatag ng Supreme Tribal Council for Peace and Development, Inc. sa Davao City kung saan ipinagmalaki niya na marami na siyang nasibak na opisyal.

Sinabi pa ng Pangulo na ang departamento lamang naman niya ang kanyang pakikialaman at hindi kabilang dito ang Kongreso o kaya ay ang Supreme Court.

Hindi naman pinangalanan ng Pangulo kung sino-sino pang opisyal sa ilalim ng kanyang departamento ang kanyang tatanggalin sa puwesto.

Kabilang sa mga sinibak ng Pangulo si dating Department of Information and Communications Techno­logy secretary Rodoldo Salalima at pinagbitiw naman sa puwesto si dating Commission on Higher Education chair Patricia Licuanan.

Inakusahan si Licuanan ng malimit na pagbibiyahe na itinanggi naman nito.

Samantala, nakatakdang magdaos ng Semana Santa ang Pangulo sa Davao City.

Magdaraos rin ang Pangulo ng kanyang ika-72 kaarawan sa Marso 28 na nataon sa Miyerkules Santo.

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with