^

Bansa

‘No-show’ sa pagpaparehistro ng sasakyan pinaiimbestigahan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�No-show� sa pagpaparehistro ng sasakyan pinaiimbestigahan

Ginawa ni Poe ang pahayag sa gitna ng imbestigasyong ginagawa sa Dimple Star bus na naaksidente sa Mindoro. Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Gustong paimbestigahan ni Sen. Grace Poe ang ulat na marami pa ring mga naiparerehistro sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) kahit hindi personal na dinadala o “no-show.”

Ginawa ni Poe ang pahayag sa gitna ng imbestigasyong ginagawa sa Dimple Star bus na naaksidente sa Mindoro.

 Ayon kay Poe, dapat silipin ang mas malaking isyu kung papaano nagsasagawa ang Land Transportation Office (LTO) ng inspeksyon sa mga sasakyan bago iparehistro o kaya ay bigyan ng prangkisa.

Marami pa rin umanong natatanggap na ulat si Poe kaugnay sa “no-show” o “non-appearance” ng mga sasakyan na kailangang i-renew ang rehistro.

 “Information that reached us said that in paper, motor vehicles undergo and pass the test, but the reality is a number of them were never tested,” sabi ni Poe.

Kabilang dapat sa kumpletong inspeksiyon ng behikulo ang emission test para sa taunang rehistrasyon.

Ilang concerned citizen umano ang nagparating kay Poe na mayroon pa ring ilang empleyado ng LTO ang diumano’y tumatanggap ng lagay kapalit ng pag-renew ng registration kahit hindi dala ang sasakyan.

Isa aniyang patunay nito ang napakaraming hindi na maayos na sasakyan na tumatakbo pa rin sa mga lansangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with