^

Bansa

Oplan Ligtas SumVac larga na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Oplan Ligtas SumVac larga na

Si PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa kasama si NCRPO Director Oscar Albayalde habang kinakausap ang bus driver nang mag-inspeksiyon sa terminal sa Cubao, Quezon City bilang bahagi ng Oplan SumVac ngayong Holy Week. Boy Santos

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang seguridad ng publiko sa pagdiriwang ng Semana Santa sa susunod na linggo, wala munang bakasyon ang mga pulis na tututok rin sa mahigpit na police visibility at pagpapatrulya sa buong panahon ng ‘summer season’.

Kahapon, pormal nang inilunsad ng PNP ang Oplan Ligtas SumVac (Summer Vacation) 2018 na sinimulan sa pag-iinspeksyon nina PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde sa Araneta-Cubao bus terminal.

Umakyat sa bus sina dela Rosa at Albayalde na kinumusta rin ang kondis­yon ng mga pasahero.

Ang PNP ay hindi pa nagbababa ng full alert status kaugnay ng Oplan Sumvac kabilang na ang Semana Santa na mananatili hanggang Hunyo 13, 2018 sa pagbubukas ng klase.

Partikular na tututukan ng PNP ang Metro Manila, Region 7 o Cebu, Region 11 sa Davao at maging sa Region IV B na karaniwan ng dinarayo ng mga nagtutungo sa probinsya tuwing Semana Santa at sa panahon ng mahabang bakasyon.

Bukod sa mga bus station ay mahigpit ding pinababantayan ang mga paliparan, daungan, mga simbahan at iba pang matataong lugar.

vuukle comment

OPLAN LIGTAS SUMVAC

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with