^

Bansa

‘Magdala ng baril kahit nakasibilyan’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Magdala ng baril kahit nakasibilyan�

Sa kaniyang ‘surprise inspection at accounting ng mga personnel sa Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng umaga, sinabi ni dela Rosa na ang pagpu-pulis ay 24/7 na trabaho at hindi maaaring idahilan ng mga pulis na sila ay off duty at hindi reresponde kapag may masaksihang krimen sa lansangan. Michael Varcas

?MANILA, Philippines — Inatasan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ang mga pulis na laging magdala ng baril kahit na nakasibilyan ang mga ito upang maging handa 24/7 sa lahat ng oras sa pagresponde sa anumang uri ng kriminalidad.

Sa kaniyang ‘surprise inspection at accounting ng mga personnel sa Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng umaga, sinabi ni dela Rosa na ang pagpu-pulis ay 24/7 na trabaho at hindi maaaring idahilan ng mga pulis na sila ay off duty at hindi reresponde kapag may masaksihang krimen sa lansangan. 

 “Ayaw ni Presidente Duterte na makakita ng pulis na walang dalang baril. Whether you like it or not, you are a policeman 24/7; pulis kayo every minute of the day and every hour of the day; at dapat ay huwag kayong tamad magdala ng baril. You must be ready to respond to any emergency kung kinakailangan,” ani dela Rosa.

“Kasi ‘pag meron holdapan diyan sa harapan mo paano ka makapag-react? Barilan ‘yan makipagsuntukan ka? May mga baril ‘yung holdupper, anong gusto mo, suntukan? karate? judo?” punto pa ng PNP Chief.

Inihalimbawa ni dela Rosa ang magandang ehemplo ng isang pulis-Maynila na hinabol ang isang holdaper/snatcher kahit na kasama nito ang kaniyang mag-ina sa scooter at off duty ito.

Aniya, walang batas na nagbabawal sa mga pulis na magsipagdala ng mga armas kahit na nakasibilyan basta’t huwag lamang itong idisplay.

Inihayag pa ni dela Rosa, kahit na ano pa ang tungkulin ng isang pulis, maski sa health service o sa administrative duties ito naka-assign, trabaho pa rin ng pulis na rumesponde kapag may nasaksihang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with