^

Bansa

NPA Sparu unit binuhay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
NPA Sparu unit binuhay

Dahil dito,  ayon kay Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato’ dela Rosa na nagsimula na silang magsagawa ng re-orientation sa kanilang mga tauhan upang supilin at lipulin ang “sparu’ operations ng NPA  na kanilang tatapatan ng puwersa partikular na sa rehiyon ng Mindanao. File

MANILA, Philippines — Umaabot sa 65 katao na karamihan ay pulis at militar  ang pinaslang ng SPARU unit, ang hit squad ng New People’s Army na namamayagpag muli sa paghahasik ng karahasan  sa iba’t-ibang bahagi ng bansa  mula Enero 2017 hanggang Marso 22, 2018.

Dahil dito,  ayon kay Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato’ dela Rosa na nagsimula na silang magsagawa ng re-orientation sa kanilang mga tauhan upang supilin at lipulin ang “sparu’ operations ng NPA  na kanilang tatapatan ng puwersa partikular na sa rehiyon ng Mindanao.

Una rito ay mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbabala sa tropa ng pamahalaan laban sa pagkaalarma nito sa muling pagiging aktibo ng  NPA SPARU units na ang target ay mga security forces ng Armed Forces of the Philippines at PNP.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, kinumpirma ni Dela Rosa ang talamak na operasyon ng SPARU unit ng NPA terrorists  kaya maging ang mga retiradong pulis ay kanilang pinakilos upang magsagawa ng oryentasyon sa mga batang police officers upang ituro sa mga ito  kung paano lalabanan at tutuldukan ang liquidation squad ng NPA.

Inihayag ni Dela Rosa na sampung beteranong opisyal ng PNP ang lilibot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang magsagawa ng re-orientation.

Sa tala, sinabi ni De Rosa na muling naging talamak ang operasyon ng SPARU units matapos na kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa Communist Party of the Philippines at National Democratic Front na political wing ng NPA noong huling bahagi ng nakalipas na taon.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with