^

Bansa

Kaso ni Napoles ipinauubaya ni Duterte sa kalihim ng DOJ

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Kaso ni Napoles ipinauubaya ni Duterte sa kalihim ng DOJ

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga supporters nito kamakalawa ng gabi na hindi siya micro-manager at hindi siya nakikialam sa operasyon ng mga government agencies bagkus ay ipinauubaya niya ito sa kanyang alter ego. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinauubaya ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagdedesisyon sa kaso ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles na utak umano sa anomaly sa Priority Development Assistance Fund.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga supporters nito kamakalawa ng gabi na hindi siya micro-manager at hindi siya nakikialam sa operasyon ng mga government agencies bagkus ay ipinauubaya niya ito sa kanyang alter ego.

“Hinayaan ko ‘yan sila [Cabinet secretaries]. Si Vit Aguirre —sabi ko, ‘Bakit nasabit na naman siya dito kay Napoles?’ Eh diskarte ‘yan niya eh,” wika pa ni Duterte.

Magugunita na ilang mambabatas ang uma­ngal at binatikos ang na­ging hakbang ng Department of Justice na ilagay sa provisional status sa Witness Protection Program si Napoles.

Naunang sinabi ni Aguirre na nakahandang ipagtapat ni Napoles ang lahat ng kanyang nalalaman sa PDAF scam.

Samantala, iginiit ni Senador Panfilo Lacson na dapat maghinay-hinay muna ang maagang bumabatikos sa magiging testimonya ni Napoles sa posibleng reinvestigation sa PDAF scam.

Ayon kay Sen. Lacson, mas mainam na mapa­kinggan muna ang detalye ng magiging salaysay ni Napoles, kaysa agad itong kontrahin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with