^

Bansa

Bong muling humirit sa SC na makapagpiyansa

Pilipino Star Ngayon
Bong muling humirit sa SC na makapagpiyansa

MANILA, Philippines — Umapela si dating Sen. Bong Revilla sa Korte Suprema para sa kaniyang pansamantalang kalayaan, habang dinirinig ng Sandiganbayan ang kaniyang kaso.

Sa pitong-pahinang mosyon na ipinasa ni Revilla nitong Marso 16, nakiusap ang dating mambabatas na makalabas siya ng kulungan. Nalalabag umano, aniya, ang kaniyang karapatan mula nang makulong noong Hunyo 2014.

Isa si Revilla sa mga dating senador na napakulong ng nakaraang administrasyon dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund na mas kilala sa tawag na pork barrel.

Nahaharap si Revilla sa P224-million plunder case sa Sandiganbayan.

"Petitioner remains unaware which of the 5,134 pieces of evidence was offered to prove, at least the most basic elements of plunder," nakasaad sa apela.

Ang mga kapwa akusado ni Revilla na sina dating Sen. Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada ay nakalaya na matapos magpiyansa.

Pinalaya si Enrile dahil na rin sa kaniyang katandaan, habang nitong Setyembre 2017 nakalabas ng PNP Custodial Center si Revilla.

Plano namang tumakbo ni Revilla sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with