^

Bansa

Mahihirap ‘wag paghintayin sa murang bigas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mahihirap �wag paghintayin sa murang bigas
Ang problemang ito, hindi na puwedeng maghintay at ito ang pakiramdam ng maraming Pilipino. At the soonest possible time, dapat magkaroon na ng mas murang bigas sa merkado,” wika ni Sen. Bam sa kanyang pulong sa urban poor sector sa Tondo, Maynila kasama si Vice Pres. Leni Robredo.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dapat sama-samang kumilos ang National Food Authority (NFA) at iba pang kaukulang ahensiya ng pamahalaan para mabilis na maibalik sa normal ang supply ng murang bigas sa merkado para sa mahihirap na Pilipino, ayon kay Sen. Bam Aquino.

“Ang problemang ito, hindi na puwedeng maghintay at ito ang pakiramdam ng maraming Pilipino. At the soonest possible time, dapat magkaroon na ng mas murang bigas sa merkado,” wika ni Sen. Bam sa kanyang pulong sa urban poor sector sa Tondo, Maynila kasama si Vice Pres. Leni Robredo.

“Iyong papahintayin mo ang kapwa Pilipino ng tatlong buwan, anim na buwan, hindi na acceptable iyon kasi isang taon na po itong mismanagement na nangyayari,” dagdag ni Sen. Bam, na tinutukoy ang kabiguan ng NFA na maabot ang 15-day buffer stock para sa NFA rice mula pa noong Marso ng nakaraang taon.

Sinabi ni Bam na dapat ayusin ng NFA at ng NFA Council ang kanilang gusot at resolbahin agad ang kawalan ng supply ng NFA rice upang maalis na ang pasanin ng taumbayan ukol sa mahal na bigas sa merkado.

Anya, kailangang gumastos ng dagdag na P500 kada buwan ang mahihirap na pamilya para pambili ng mas mahal na bigas, bunsod ng kawalan ng NFA rice sa merkado.

vuukle comment

NATIONAL FOOD AUTHORITY

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with