^

Bansa

Dagdag-bawas sa presyo ng diesel, kerosene

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dagdag-bawas sa presyo ng diesel, kerosene
Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Seaoil Philippines ang panibagong galaw sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo umpisa alas-6 ngayong Martes ng umaga.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Matapos ang ginawang tapyas sa presyo ng petrolyo noong nakaraang linggo, dagdag-bawas sa presyo ng diesel at kerosene naman ang ipinatupad ngayong umaga ng mga kumpanya ng langis sa buong bansa.

 Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Seaoil Philippines ang panibagong galaw sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo umpisa alas-6 ngayong Martes ng umaga.

 Nabatid na nasa P.40 sentimos kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel habang tinapyasan naman ng P.55 kada litro ang presyo sa kerosene. Habang wala namang naging pagbabago sa presyo ng gasolina.

Inaasahan na sa susunod dito ang iba pang mga kumpanya ng langis sa bansa na sumusunod sa galaw ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado.

 Nitong nakaraang linggo, nasa P1.20 kada litro na ang itinapyas sa presyo ng kerosene kasama pa ang bawas-presyo sa gasolina ng P.35 kada litro at diesel sa P.55 kada litro.

vuukle comment

PETROLYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with