^

Bansa

National ID system pasado na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang “National ID System” na isinulong ni Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sa botong 17 kontra 2, ipinasa ang Senate Bill 1738 na tatawa­ging “Philippine Identification System (PhilSys) Act of 2018.”

Tanging sina Senators Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan ang tumutol sa pagpasa ng panukala na naglalayong i-connect ang iba’t ibang ID na kailangang kunin ng mga Pilipino.

Ipinaliwanag ni Lacson na mas magiging madali na para sa publiko ang magkaroon ng transaksyon sa gobyerno at pribadong institusyon kapag naging ganap na batas ang panukala. Inaasahan ding makaka­tulong ang national ID system sa pagsugpo ng krimen.

Ayon kay Lacson, sa kasalukuyan ay mayroong 33 iba’t ibang “functional” identification cards na inilalabas ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Aniya, ang napakaraming IDs ay nagreresulta sa duplikasyon ng trabaho at pag-aaksaya ng resources.

Kapag naging ganap na batas,  sinabi ni Lacson na ang ID na ibibigay sa isang indibiduwal ay mananatili nang nakatalaga sa kanya hanggang ito ay mamatay.

“Pag bagong panganak parang temporary. Pero ang ID natin once binigyan tayo hanggang mamatay tayo, dala na natin sa hukay yan, wala na ibang gagamit noon,” ani Lacson.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with