Chinese syndicate nasa likod ng serye ng kidnapping?
Christian Imperio (Pilipino Star Ngayon) - March 19, 2018 - 2:42pm

MANILA, Philippines – Sa gitna ng kabi-kabilang ulat ng tangkang pagdukot sa mga bata sa social media, kinumpirma ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na umakyat na ang bilang ng mga nawawalang bata sa bansa.

Ayon sa ulat ng The STAR, may mga ulat nitong mga nakalipas na buwan ng mga batang dinukot malapit sa kanilang tahanan o pampublikong lugar habang ang iba’y bigla na lamang umanong nawawala.

Pinabulaanan naman ng nasabing opisyal ang paniniwala ng karamihan na ang mga nangyaring pagdukot ay mga isolated cases lamang.

Ayon sa opisyal, kasalukuyan nilang bineperipika ang mga ulat na isang Chinese syndicate na nagbebenta ng mga laman ng tao ang umano’y nasa likod ng mga mga nasabing pagdukot.

Dagdag niya na tikom ang bibig ng mga naaresto nilang mga kawatan na ituro ang mga tao na nag-utos sa kanila para gawin ang pagdukot.

Kapansin-pansin naman ang tila pagkakaroon ng pattern ng mga nangyayaring pagdukot araw-araw.

Madalas na kuhanin ang mga batang natutulog sa kalye o kaya’y naglalaro sa mga pampublikong lugar at mga estudyante na naglalakad papauwi galing sa kanilang eskwelahan.

Giit ng source na konektado sa intelligence unit ng PNP ay kanilang ibubunyag ang sindikatong nasa likod ng nasabing mga pagdukot.

KIDNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with