^

Bansa

Female grads sa PMA mas marami

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Female grads sa PMA mas marami
Ang mga kadete ng Class Alab Tala 2018 habang nakikinig sa speech ng Pangulo.
(Andy Zapata Jr.)

MANILA, Philippines — Mas mataas na bilang ng mga babaeng ka­dete ng Philippine Military Academy (PMA) ang nagsipagtapos ngayong taon.

Sinabi ni Lt. Col. Rey Balido, tagapagsalita ng PMA na ang bilang ng mga babaeng nag-gra­duate ngayon sa “PMA Alab Tala Class” ng 2018 ay naging espesyal sa kanilang graduation cere­monies.

Ito ay dahil sa 282 graduates ngayong taon, 2007 ay lalaki at 75 ang mga babae kumpara noong nakaraang taon na 63 lamang ang female cadets na nag-graduate

Sa kasaysayan ay ito na umano ang naitala ng PMA na pinakamaraming bilang ng mga graduate na babae.

Kinumpirma naman ni Balido na ang mga bagong PMA graduates ay sakop na ng increase ng base pay para sa military and uniformed personnel.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi awtomatikong ipapadala sa Mindanao ang mga bagong graduates dahil depende pa rin ito sa branch of service nila at mayroon pa rin silang isang buwang bakasyon.

Pinangunahan naman ni Cadet 1st Class Jaywardene Galilea Hontoria na isang 25 year-old re­gistered nurse, kasunod si Cadet 1st class Ricardo Witawit Liwaden at Cadet 1st class Jun-jay Malazzab Castro ang mga bagong batch ng 2018.

Ang 282 bagong gra­duates ay itatalaga sa kanilang mga assignments kabilang dito ang 143 sa Philippine Army, 71 sa Philippine Air Force at 68 sa Philippine Navy.

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with