^

Bansa

National ID gagamitin sa surveillance

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
National ID gagamitin  sa surveillance
Ito ang pangamba ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at iginiit na ang ibang mga police state ay ginagamit talaga ito sa kanilang paniniktik, surveillance sa mga kritiko ng gobyerno at kaaway ng nakaupo sa pamahalaan para supilin ang kanilang mamamayan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Gagamitin lamang umano ang panukalang national ID system sa pag-surveillance sa mga taong tumutuligsa sa gobyerno.

Ito ang pangamba ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at iginiit na ang ibang mga police state ay ginagamit talaga ito sa kanilang paniniktik, surveillance sa mga kritiko ng gobyerno at kaaway ng nakaupo sa pamahalaan para supilin ang kanilang mamamayan.

Nakasaad umano sa national ID ang kakaibang Common Reference Number (CRN) na ibibigay sa lahat ng mga Filipino kabilang ang kanilang mga impormasyon tulad ng pangalan, addres, birthday, sex, civil status, pirma at litrato.

Maaari rin itong magamit sa lahat ng tran­sak­syon sa lahat ng sangay ng gobyerno para ma­ging konbinyente sa pagkuha ng mga serbisyo sa pamahalaan.

Subalit giit ni Zarate, maaari namang maibigay ng maayos ang social services ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtaas sa budget at paglaban sa korupsyon sa halip na magtatag ng national ID system.

Pangamba pa ng kongresista, maaaring makompromiso ang mga datos at makuha ito sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang ahensiya na in-charge sa nasabing sistema.

Ang national ID system bill ay nakatakdang ipasa sa ikalawang pagbasa ng Senado sa Miyerkules.

vuukle comment

NATIONAL ID SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with