^

Bansa

‘Napoles, litisin, hindi proteksyunan’- Solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Napoles, litisin, hindi proteksyunan�- Solon

Ito ang iginiit kahapon ni 1st District Albay Rep. Edcel Lagman na nagsabi  pa na dapat litisin sa kasong kriminal ang akusado at utak sa PDAF na si Napoles sa halip na protektahan, bigyan ng seguridad at benepisyo sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan. Michael Varcas
 

MANILA, Philippines — Dapat litisin at hindi dapat bigyan ng proteksyon ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na sinasabing utak sa P10 bilyong anomalya sa Priority Development Assistance Fund.

Ito ang iginiit kahapon ni 1st District Albay Rep. Edcel Lagman na nagsabi  pa na dapat litisin sa kasong kriminal ang akusado at utak sa PDAF na si Napoles sa halip na protektahan, bigyan ng seguridad at benepisyo sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan.

Ipinunto ni Lagman na diskwalipikado si Napoles sa WPP dahilan ito ang utak sa PDAF scam at pinaka-guilty sa lahat ng akusado.

 Ang WPP ay itinatag sa ilalim ng Republic Act # 6891 o ang Witness Protection, Security and Be­nefit Act’ na nagkakaloob ng proteksyon at benepisyo sa mga pangunahing testigo ng pamahalaan.

Sinabi ni Lagman na, simula nang matukoy na si Napoles ang utak sa samutsaring kaso ng plunder kaugnay ng  PDAF scam  ay hindi na ito kuwalipikado para maging testigo ng gobyerno.

Para naman kay Senate President Aquilino Pimentel III, malaya si Napoles na magsiwalat ng mga bagong impormas­yon lalo na sa mga sangkot na tao sa PDAF scam pero hindi ito kuwalipikado sa WPP dahil ito ang utak sa anomalya.

Ipinaliwanag ni Pimentel na malinaw sa batas na ang mga potential na state witness ay walang gaanong kasalanan at, sa kaso ni Napoles, ito ang most guilty.

Sinabi pa ni Pimentel na gusto niyang ipatawag si Justice Secretary Vitaliano Aguirre para pagpaliwanagin kung bakit ikinokonsiderang state witness si Napoles  na batay sa mga ebidensiya ay ito ang lumilitaw na utak ng anomalya. - Marvin Sy

vuukle comment

JANET LIM NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with