^

Bansa

Travel allowance hike ng government employees hingi

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Travel allowance hike ng government employees hingi

Sa Senate Resolution 671 ni Pimentel, hinikayat nito si Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng isang executive order upang maamiyendahan ang Executive Order No. 298, Series of 2004 para mabago ang travel rates ng mga opisyal at personnel ng mga nasa pamahalaan na nagbibiyahe dahil sa “official business.”  Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Mismong si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang nagsusulong na itaas ang kasalukuyang local at foreign travel allowance ng mga nasa gobyerno mula P800 sa P2,000 kada araw.

Sa Senate Resolution 671 ni Pimentel, hinikayat nito si Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng isang executive order upang maamiyendahan ang Executive Order No. 298, Series of 2004 para mabago ang travel rates ng mga opisyal at personnel ng mga nasa pamahalaan na nagbibiyahe dahil sa “official business.”

Ikinatuwiran ni Pimentel na ang EO 298 ay nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2004 kung saan inamiyendahan ang EO No. 248 na ipinalabas naman noong Agosto 14, 1995 na nagtatakda ng mga patakaran para sa pag­lalaan ng allowances ng mga government personnel kapag sila ay nagbibiyahe.

Nakasaad sa EO 248 na kahit pa anong  taas ng ranggo at destinasyon ng isang opisyal o emple­yado ng gobyerno na kailangang magbiyahe para gampa­nan ang trabaho ay bibigyan lamang ng P800 na daily allowance.

 Sa P800, ang hotel at lodging ay lalaanan ng 50% o P400; meals, 30% o P240.00 at Incidental Expenses, 20% o P160.

Sinabi ni Pimentel na ang nasabing allowance ay nakabase sa “prevailing market prices” nang buuin ang EO labing apat (14) na taon na ang nakakaraan at hindi na naaayon sa presyo ng kasalukuyang panahon.

 Ayon pa kay Pimentel, nakasaad naman sa Section 72, Chapter 7, Book VI ng Executive Order No. 292 o ang “Administrative Code of 1987” na ang travel allowances ay maa­ring palitan ng Pangulo base sa rekomendasyon ng Travel Rates Committee na kinabibilangan ng mga kalihim ng Budget and Management, Foreign Affairs, Tourism, at chairman ng Commission on Audit.

Sinabi ni Pimentel na  napapanahon na upang itaas ang daily travel allowance at dapat itong suporahan ng Senado.

vuukle comment

AQUILINO “KOKO” PIMENTEL III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with