^

Bansa

TNVs kinagat ng mga Pinoy, kaya parang kabute na nagsulputan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
TNVs kinagat ng mga Pinoy, kaya parang kabute na nagsulputan

MANILA, Philippines — Marami ang nagtataka kung bakit biglaang parang kabute na nagsulputan ang mga private vehi­cles na nagsasakay ng  pa­sahero na tinatawag na Transport Network Vehicle Service (TNVS)  o mas kilala ng mga tao bilang mga on-line for-hire vehicles.

Ang mga TNVS na ta­wag sa mga units ay naka rehistro sa Transport Network Company (TNC) tu­lad ng Uber, GRab at U-hop, ang mga kumpanyang ito ang may permit at pina­yagan ng Department of Transportation at Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) noong nagdaang administrasyong Aquino na mag-operate ng mga TNVS.

Taong 2014, nagulo ang mundo ng mga regular taxi na may franchise, kung bakit pinayagan ng LTFRB at DOTC ang mga TNC na mag-register bilang kanilang miyembro ang mga TNVS na mga private vehicles na wala namang franchise. Tuloy bumaba daw ang kanilang kita dahil sa pagseserbisyo ng mga TNVS.

Sabi ng DOTC noon sa LTFRB, iregulate ang TNC para ma-legalize ang kanilang operasyon.

Noong panahong iyon, nakapangyari na ang mga TNC ang nag-aacredit muna ng kanilang mga mi­yembro  bago nila irehistro sa LTFRB ang bilang ng kanilang miyembro.

Ito ang dahilan kung bakit dumami ang bilang ng mga TNVS sa ngayon na sinasabi ng Metropoli­tan Manila Development Authority (MMDA) na isa na ito sa nagpapalala ng daloy ng trapiko sa Kalak­hang Maynila dahil sa rami ng kanilang bilang.

Noong 2014 Grab ang unang nagkaroon ng APP para makontak sila ng mga pasaheo para maihatid sa kanilang destinasyon. Ang mga Grab taxi noon ay mga regular taxi na may franchise. Mula noon nagkaroon na ng Uber, isang TNC na ang mga miembro ay mga private cars na naghahatid sa mga pa­sa­hero. Pinayagan sila ng DOTC at LTFRB sa pama­magitan ng ibinigay sa ka­­nilang provisional authority (PA) at kalaunan ay Certificate of Public Con­veyance (CPC). Dumami nang dumami ang kanilang bilang. Sinabi ng nooy DOTC na kailangan ng kontrolin ang kanilang bilang. Taong 2015 duma­ting pa ang isang APP na TNC ang UHOP na ka­ra­mihan ang miembro ay mga mistulang AUV express ang serbisyo dahil maramihan ang kanilang sakay.

Lumikha ng ingay ang tatlo, mula sa bilang na 3,000 ay umabot sa mahigit 45,000 ang kanilang bilang. Ang Grab na dati ay taxi units na may franchise ang miembro ay nagkaroon na rin ng mga miembro na private vehicles. Ang Grab ang pinaka mababa ma­ningil. P45 ang flag down rate. Ang Uber at Uhop ay P70.00 madadagdag dito ang kabuuan ng pasahe sa destinasyon ng pasahero. Sasakay ka pa lamang ay alam mo na kung magkano ang babayarang pasahe patungo sa iyong destinasyon. Sobrang taas nilang maningil dahil may dagdag ang pasahe kung  maulan, matrapik at rush hour.

Dahil sa dumaming bi­lang ng TNVS sa bansa partikular sa Metro Manila noong panahong iyon, si­nabi ni Atty. Ariel Inton, nooy LTFRB boardmember, ay nagmungkahi sa DOTC na limitahan lamang ang bilang ng TNVS para ma-regulate. Dapat anya ang LTFRB ang unang ta­tanggap ng aplikasyon ng mem­bership ng TNVS para ma­­iwasan ang pagdami ng bilang nito. Hindi siya pina­kinggan. Bukod sa tuma­tak­bong may PA at CPC, dumami rin ang bilang ng colorum na TNVS dahil mi­embro lamang sila ng tatlong TNC pero wala silang PA o CPC.

June 2016, nasuspinde ang pagpapalabas ng pro­­­­vi­sional authority sa lahat ng CPC. Ang mga ginawang miyembro ng Uber, GRab at Uhop  na wala pang PA o CPC ay hindi naaksiyunan ang aplikasyon sa LTFRB. Noong 2017, mahigit na 50,000 na ang kanilang bilang.

Pagpasok ng 2018 nag­sabi ang LTFRB na noong March 5, 2018 ay magbubukas ang ahensiya para sa mga bibigyan ng PA.

Ngayon naisip na ng LTFRB na sila na muna ang mag-aacredit ng mga private cars na nais maging TNVS at sila ang mag endorso sa nais nilang TNC na sasamahan para ma­iwasan daw ang pagdami ng kanilang bilang.

Pero, hindi pa man na­­buksan ang pintuan ng LTFRB para dito ay hindi na sila makakatanggap ng bagong aplikasyon dahil ang mga dati ng TNVS na walang PA o CPC na nagpa miembro na noon sa mga TNC ang uunahin nilang aksyonan para dito.

Ayon kay Mr. Joel Bolano, chief technical Division ng LTFRB, hanggang 65,000 lamang ng TNVS ang papayagan nilang mag­serbisyo sa MMLA, 1,500 TNVS ang napasada sa Cebu at 250 TNVS ang napasada sa Pampanga.

Anya, sa ngayon ang mga regular taxi unit na may franchise na noon pa man, batay sa isang memorandum na ipinalabas ni LTFRB Chairman Martin Delgra ay dapat na  sasailalim na silang lahat sa gusto nilang TNC kaya puwede na rin silang makakuha ng pasahero sa pamamagitan ng APP gaya ng ginagawa ng mga TNVS na miembro ng Uber Grab at Uhop.

Sabi ni Bolano, ang lahat ng taxi na may franchise gamit ang metro ay dapat may gadyet na tulad ng CCTV, dual cam, GPS bukod sa dapat ay under na sila ng TNC para mapayagan na mag-operate. Sa MMLA ang regular taxi na may metro ay 39,000 ang bilang o  mahigit 50,000 sa buong bansa.

Pero anya, may 2 APP base pa na nag aaplay nga­yon sa LTFRB bilang mga bagong Transport Network Company (TNC), ang 3PID at Wonder Pull na baka anya dito ipaisailalim ang mga taxi na may franchise.

Dahil 65,000 lamang ang sinasabing limitasyon  ng LTFRB sa bilang ng TNVS sa ngayon, dahil may report na mahigit na sila sa 100,000 units ngayon, ine­rerekomenda naman ni Atty Inton sa LTFRB na ang mga sosobrang bilang ng TNVS na hindi mabibigyan ng PA ay bigyan na lamang ng pagkakataon na makapag aplay sa ibang transport de­nomination tulad ng rent-a car, tourist at taxi service upang makapagbayad ng kanilang monthly amortiza­tion sa inutang na sasakyan.

Sa naturang bilang ka­sama ang mga hatchback na sasakyan na datiy di na binigyan ng permit ng DOTr na makapasada. Pero dahil sa apektado ng hanapbuhay ang kita ng pamil­ya, pinayagan ang mga ito na mag-operate sa loob ng tatlong taong extention hanggang taong 2020.

Ayon kay Allen Bishop Galapon, Presidente ng Metro Manila Hatchback Asso­cation, tatalima sila sa utos ng LTFRB na sa iti­nakdang panahon ay magpapalit sila ng bagong unit para makapagpatuloy sa ope­rasyon. Ang miem­bro ng grupo ay may mahigit ng 1,000 na may ruta lamang sa Kalakhang Maynila.

Sinabi naman ni Senador Grace Poe, Public Service committe Chairman sa Senado na kulang pa ang 65,000 na unit ng mga TNVS dahil sa tumataas na bilang ng mga taong dapat nitong serbisyuhan.

Sinabi ni LTFRB Chairman Marti Delgra na titing­nan muna nila ang epekto sa sektor ng transportas­yon kung maaaring ma­dag­dagan pa ang bilang ng TNVS oras na matapos nang mairehistro ang kabuuang 65,000 units.

vuukle comment

PSN32ANNIV2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with