^

Bansa

‘Salamat PSN, araw-araw mo kaming pinaliligaya’

Pilipino Star Ngayon

SALVACION CAMUS, 67

ng Emma Street, Barangay 69 Zone 8, Pasay City

 “Street vendor ako sa kahabaan ng Libertad St. Mga kendi at sitsirya ang itinitinda ko. Matagal na akong nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON, mga 20 taon na! Araw-araw akong bumibili ng PSN dahil ito lamang ang pinaka-desenteng diyaryo sa bansa. Napa­kaganda ng mga nilalaman ng PSN. Paborito kong basahin ang mga balita sa artista. Hindi ko pinalalampas ang mga maiinit na tsismis. Paborito ko rin ang mga balita at ang nobela ni Ronnie Halos. Tanging ang PSN lamang ang diyaryo sa buhay ko. Wala nang iba pa. Forever na ang ating pagsasama!

ANALIZA SY, 48

May-ari ng isang fruit stall sa ilalim ng LRT-Libertad

“Matagal na akong nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON. Since 2008 pa. Paborito kong basahin ang Showbiz Ngayon. Gustung-gusto ko rin ang mga napapanahong balita sapagkat madaling maunawaan. Pangmasa ang dating ng PSN kaya naman lalo  kong kinagigiliwan. Sana ay magkaroon pa ng mga kapana-panabik na mga kuwento ang PSN para lalong subaybayan.

ROMMEL DEJUCOS PANES

Kargador sa palengke sa P. Villanueva St. corner Market Rd. Pasay City

 “Libangan ko na ang pagbabasa ng diyaryo at iisa ang paborito kong basahin --- ang Pilipino Star NGAYON. Kapag naghihintay ako ng customer na magpapabuhat ng kanyang pinamili, nagbabasa muna ako ng PSN. Lahat nang nilalaman ng PSN ay binabasa ko – mula sa balita sa page 2 hanggang sa sports sa page 16 ay hindi ko pinalalampas. Pag-uwi ko ng bahay pasasadahan ko uli ng basa. Kaya naman pigang-piga ang PSN sa akin. Sulit na sulit ang pinambili ko. Sana tumagal pa hanggang 100 taon ang PSN.

REBECCA CAPOL, 42

Puto vendor, taga-Bgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City

“Mahigit 10 taon na akong nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON. Araw-araw akong bumibili. Malaki ang kulang sa aking buhay kapag hindi ako nakapagbasa ng PSN. Bahagi na ng buhay ko ang PSN.

“Una kong binabasa ang Opinion Page. Mara­ming nababasang artikulo rito kagaya ng Akalain Mo ni Annabelle O. Buenviaje at ang Anong Nangyari Noon? ni Franz Harvin Alegre. Ginugupit ko ang mga ito at kini-clippings sapagkat magagamit ito ng mga anak ko sa kanilang pag-aaral. Nadadagdagan ang nalalaman ko dahil sa mga artikulong ito.

“Hangad ko pa ang pag-unlad ng PSN sa hinaharap. Sana ay magpatuloy pa ang diyaryong ito sa pagbibigay ng aliw sa mga mambabasa. Marami pong salamat at happy 32nd anniversary.

SHOJI GLOCA, 42

Taga-Mindanao at namamahala sa isang pet supply shop sa Cartimar, Pasay City

“Updated kami rito sa Cartimar sa mga nangyayaring kaganapan sa bansa at iyan ay dahil sa pagbabasa namin ng Pilipino Star NGAYON. Ang PSN ang aming source ng balita at naniniwala kami rito. Ngayong usung-uso ang pagkakalat ng fake news, naniniwala kaming ang inilalathala ng PSN ay pawang katotohanan.

BONG PRADO, 51

Taga-Bgy. Capri, Novaliches, Quezon City

“Mula pa 1992 ay masugid na akong mambabasa ng Pilipino Star NGAYON. Kahit minsan ay hindi ako pumalya sa pagbili. Kasama sa budget ko ang PSN. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi nakapagbasa ng paborito kong pahayagan.

“Pinakapaborito kong binabasa at sinusubaybayan ay ang “MAY ISANG KALAPATI” na sinulat ni Ronnie M. Halos. Napakaganda ng istorya at napakagaan na basahin. Bawat labas ay may suspense kaya hindi ako bumibitiw sa pagbabasa nito. Sana ay madagdagan pa ang mga ganitong kuwento sa PSN.

NOEMI O. CHAVEZ, 51

Nagre-repair ng sapatos at ang puwesto ay matatagpuan sa Libertad St. sa harap ng St. Mary’s Academy.

“Mahigit 20 taon na kaming nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON ng mister kong si Romy. Hindi kumpleto ang aming araw kapag hindi kami nakapagbasa ng PSN. Ang paborito naming basahin ng mister ko ay ang nobela ni Mr. Ronnie M. Halos na “SA PILING NG KALAPATI” na guhit naman ni Mr. Nilo Comoda. Lahat nang mga sinulat ni Mr. Halos ay nasubaybayan namin sa loob ng 20 taon. Sana ay magkaroon pa ng isa pang nobela sa PSN para lalo kaming masiyahan sa pagbabasa. Bukod sa mga akda ni Mr. Halos paborito rin naming basahin ang Editorial, ang kolum ni Doc Willie Ong, ang column na Banat ni Batuigas. Mabuhay po ang lahat ng staff ng PSN. Maligayang anibersaryo po!

EDWIN ANCHETA, 48

Taga-Taguig City, isang Architecture graduate

at propesor sa Global Knowledge, Inc.

 “Gusto kong basahin sa Pilipino Star NGAYON ang editorial page sapagkat mahuhusay at patas ang mga kolumnista. Ito ang una kong binabasa at saka lamang tutunghayan ang mga balita sa page 2. Nasasabik din akong basahin ang Libangan section. Sana madagdagan pa ang mga artikulo ukol sa political issues at iba pang may kinalaman sa ekonomiya ng bansa.

EPHER SOLEDAD, 62

Self-employed visual artist. Taga-Marikina City

 “Para sa akin ang Pilipino Star ­NGAYON ay namumukod-tangi sa lahat nang tabloid newspaper sa bansa. Isa itong informative newspaper. Maraming malalaman ang readers at diretsahan sa pagbibigay ng inpormasyon. Wala nang paliguy-ligoy pa kaya naman nakukuha agad ng readers ang sustansiya ng balita at artikulo. Lagi kong binabasa ang Editorial page, Bansa, at ang Libangan Ngayon. More power sa PSN sa pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo.

VENI BALDON, 31

Accounting staff sa isang kompanya sa Makati City at naninirahan sa Taguig City

 “Napakadesenteng tabloid ng Pilipino Star NGAYON. Napakalinis at kaakit-akit kaya naman hindi ako bumibili ng ibang tabloid. Tanging ang PSN ang paborito ko. Una kong binabasa sa PSN ang balita, kasunod ang editorial, movie section at ang libangan. Sana magkaroon pa nang maraming artikulo at kuwento sa PSN para lalong masiyahan ang katulad naming readers. Salamat, PSN.”

DOMINGO G. OIDEM, 73

Isang kargador, tubong Sorsogon at naninirahan sa Bgy. Capri, Novaliches, Quezon City

 “Sampung taon na akong nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON. Napakadesente ng diyaryong ito kaya maaaring iuwi sa pamilya. Hindi ako pumapalya sa pagbili ng PSN sapagkat ang pagbabasa nito ang tangi kong libangan. Halos lahat ay binabasa ko ang nilalaman ng PSN pero ang pinaka-una kong binabasa ay ang Sports page. Sana magtagumpay pa ang PSN at nang makapaghatid nang tamang impormasyon sa mamamayan. Thank you PSN!

AMBROSIO at LOURDES ­PARCIA

Newspaper vendors, taga-Bgy. Capri, Novaliches, Quezon City

 “Matagal na kaming mag-asawa na nagtitinda ng diyaryo. Ito ang tangi naming pinagkukunan ng ikabubuhay. Pawang tapos na sa pag-aaral ang aming mga anak at may sarili nang mga pamilya.

“Kaming mag-asawa ay masugid ding mambabasa ng Pilipino Star NGAYON. Sa tagal na naming nagtitinda ng diyaryo, nasubaybayan namin ang pag-unlad ng PSN. Ang diyaryong ito ang pinakapaboritong basahin at agad na nauubos. Ang kapatid nitong diyaryo na PM-PangMasa ay isa rin sa mga paboritong bilhin.

“Paborito naming basahin ang nobela ni Mr. Ronnie Halos na “Sa Piling ng Kalapati”. Kapana-panabik ang bawat labas ng nobelang ito at hindi namin pinalalampas ang bawaty isyu. Habang nagbabantay sa aming tindang mga diyaryo, isinisingit namin ang pagbabasa ng mga magagandang artikulo ng PSN.

“Paborito rin namin ang Akalain Mo at ang Hiwaga sa pahina 5 ng Opinion page. Hiling namin na magkaroon pa ng mga mababasang kuwento o nobela na susubaybayan.

“Marami pong salamat sa PSN at araw-araw kaming pinaliligaya.

vuukle comment

PSN32ANNIV2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with