Sinabi kahapon ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque na hindi pa pinal ang dismissal order ng National Prosecution Service ng Department of Justice (DoJ) kina Espinosa, Lim, Co at ilang pang suspected drug lords dahil sasailalim pa ito sa automatic review ng tanggapan ni Justice Sec. Vitalliano Aguirre IIl at ang kalihim mismo ang reresolba rito. FIle

Espinosa, et al ’di pa lusot - Department of Justice
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa umano lusot sa kasong drug trafficking sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa.

Sinabi kahapon ni Pre­sidential Spokesman Harry Roque na hindi pa pinal ang dismissal order ng National Prosecution Service ng Department of Justice (DoJ) kina Espinosa, Lim, Co at ilang pang suspected drug lords dahil sasailalim pa ito sa automatic review ng tanggapan ni Justice Sec. Vitalliano Aguirre IIl at ang kalihim mismo ang reresolba rito.

Sinabi ni Roque, magbibigay ng notice ang Malacañang sa DoJ para busisiing mabuti ang kaso at ikonsidera ang mga naiharap na ebidensya ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon naman kay Aguirre, kailangan muna niyang basahin ang desisyon. 

Giit niya, mayroong isa pang paraan para ma-review ang kaso kagaya ng motion for reconsideration at ang pag-review ng kanyang opisina.

Aminado naman si Aguirre na may epekto ang resolusyon sa war on drugs pero committed at seryoso pa rin naman umano ang DoJ sa kam­pan­ya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Magugunitang marami ang nagulat at umalma sa desisyon ng mga piskal ng DoJ na nag-aabswelto kina Espinosa at Lim na kasama rin sa drug list ni Pangulong Duterte.

Nabatid na dinismis ng mga prosecutors ng gobyerno ang kaso laban kina Espinosa, Lim, at Co dahil umano sa mahina ang ebidensya laban sa mga ito.

Ang pagkakabasura sa kaso ay sa kabila ng pag-amin ni Espinosa sa pagdinig ng Senado na totoong siya ang drug lord ng Eastern Visayas kung saan si Co ang umano’y supplier niya ng droga.

Nag-ugat ang kaso sa pagkakasangkot ng mga respondent sa umano’y illegal drug trade sa Visayas subalit dinismis ng Prosecutor General noon pang December 20, 2017 at itinago sa media.

Mariing binabatikos ngayon ng mga kritiko ng Pangulo ang desisyon ng Prosecutor General dahil maituturing itong setback sa anti-illegal drug campaign ng gobyerno.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Ronald dela Rosa  na nagsumite na ang PNP-CIDG ng motion for reconsideration  upang iapela sa DoJ ang kaso laban kina Espinosa, Co at Lim. 

“We will use all our legal remedies na mapanagot natin sila, nai-submit na natin yung motion for reconsideration sa pro­secution,” ani dela Rosa.

Inamin din ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao na nalungkot ang 185,000 puwersa ng pulisya sa naging desis­yon ng DoJ pero sa kabila nito ay patuloy na ipaglalaban ang kaso laban sa tatlong pinaghihinalaang drug lords.

Si Co ay kasalukuyang nakadetine sa New Bilibid Prisons (NBP) at kabilang sa mga binansagang Bilibid 19 na pawang mga high profile inmates na sangkot sa illegal drug activities sa kabila ng mga detenido ang mga ito.

Samantala sa kaso ni Lim ay mismong si Pangulong Duterte ang tumukoy dito na kabilang sa mga drug lord na nasa narco list.

“These (Lim, Co and Espinosa) people are primary players and high value targets on illegal drugs that’s why we need to act to clear the case…as much as possible, they must be convicted,” ang sabi pa ng opisyal.  - Joy Cantos at Doris Borja

KERWIN ESPINOSA PETER CO PETER LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with