Ito ang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) kahit aprubado na ng House committee on suffrage and electoral reforms ang panukala na magpapaliban ng eleksyon sa buwan ng Mayo patungo sa ikalawang Lunes sa buwan ng Oktubre. Boy Santos

Barangay, Sangguniang Kabataan elections tuloy sa May 14
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa darating na Mayo 14.

Ito ang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) kahit aprubado na ng House committee on suffrage and electoral reforms ang panukala na magpapaliban ng eleksyon sa buwan ng Mayo patungo sa ikalawang Lunes sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, patuloy ang kanilang paghahanda para sa eleksiyon kung saan nasa 80% na ito.

Sinabi ni Jimenez na mismong ang chairman ng committee ang umamin na mahihirapan silang maipasa ang panukala dahil limang session days na lang ang naiwan bago ang Lenten break.

Maging si Senate President Koko Pimentel ayon kay Jimenez ay nagdadalawang-isip na makalusot ito sa Senado dahil walang counterpart bill sa mataas na kapulu­ngan ng Kongreso.

Ang hinihintay na lang, ayon kay Jimenez, ay ang 18 milyon na mga balota na makakayang iimprenta sa loob ng 20 araw.

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with