Towboat sumabog sa UAE: Pinoy patay
Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - March 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang tripulanteng Pinoy ang iniulat na nasawi habang isa pa ang nasugatan matapos na sumabog ang sinasakyan nilang towboat sa karagatang sakop ng Fujairah sa United Arab Emirates (UAE).

Kinilala ng Konsulado ng Pilipinas sa UAE ang biktimang Pinoy na si Carlos Buenaventura Tumbaga Jr. Hindi pa tinukoy ang pangalan ng isa sa nasugatan sa insidente.

Sinabi ng Philippine Consulate General na inihahanda na ang repatriation sa mga labi ni Tumbaga pauwi sa Pilipinas.

Base sa ulat ng Gulf News, naganap ang pagsabog sa towboat noong Pebrero 23 sa karagatan ng Fujairah.

Sinabi ni Consul Ge­neral Raymond Cortes na inaasikaso na ng shipping company at agency ni Tumbaga ang pagpapauwi sa mga labi ng huli.

Bukod sa nasa­wing tripulante, may apat pang Pinoy seamen ang sakay ng nasabing towboat nang maganap ang pagsabog at nasa ligtas na kalagayan.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with