PNP nagalak na nais gayahin ni Trump ang drug war sa Philippines

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao, magandang balita ito dahil ang isang makapangyarihang bansa na tulad ng Estados Unidos ay napansin ang pagsusumikap ng security forces na matuldukan ang mala­lang problema ng droga sa Pilipinas. Edwin Bacasmas

PNP nagalak na nais gayahin ni Trump ang drug war sa Philippines
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinagalak ng Philippine National Police (PNP) ang napaulat na nais ding gayahin ni US President Donald Trump ang ilang istratehiya ng Pilipinas, Singapore at China pagdating sa giyera kontra droga.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao, magandang balita ito dahil ang isang makapangyarihang bansa na tulad ng Estados Unidos ay napansin ang pagsusumikap ng security forces na matuldukan ang mala­lang problema ng droga sa Pilipinas.

Sinabi ni Bulalacao na ito’y magbibigay daan upang higit pang maging inspirado ang anti-drug operatives ng PNP sa pi­naigting na kampanya kontra droga lalo na sa Oplan Tokhang na walang paglabag sa karapatang pantao at naiiwasan ang pagdanak ng dugo.

Ang pagbuhay muli ng PNP sa Oplan Tokhang ay ang pangangatok sa mga kabahayan upang kumbinsihin ang mga pinaghihinalaang tulak at mga gumagamit ng droga na sumuko sa mga awtoridad.

Ayon pa kay Bula­la­cao, kung may mga napapatay mang drug personality ito’y sa inilunsad na Oplan Double Barrel Reloaded o ang anti-drug operations matapos na manlaban ang mga target sa drug list at kinailangan ng mga ope­ratiba na ipagtanggol ang kanilang sarili.

Kaugnay nito, sa loob lamang ng kulang-kulang sa 1 buwan matapos na manumbalik muli ang PNP sa drug war ay nadagdagan ng 1,000 ang target na personalidad na nasa drug watch list.

Mula sa dating 11,000 drug personality noong Peb­rero, ayon kay Bulalacao ay nasa 12,000 na ang mga nasa listahan ng mga sangkot sa droga.

Binigyang diin ng opis­yal na kabilang sa mga validated list ang mga high value target at mga street level drug pushers at users. 

US PRESIDENT DONALD TRUMP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with