Ayon kay de Lima, nag­papasalamat siya kay Senate President Aquilino Pimentel na nagsabing bilang isang sitting senator maaaring makasali si de Lima sa trial. Miguel de Guzman

De Lima sasali sa impeachment trial ni Sereno
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hihilingin ni Senator Leila de Lima sa korte na payagan siyang maging bahagi ng impeachment court na didinig sa napi­pintong impeachment trial ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Senado.

Ayon kay de Lima, nag­papasalamat siya kay Senate President Aquilino Pimentel na nagsabing bilang isang sitting senator maaaring makasali si de Lima sa trial.

Ipinunto ni de Lima na bilang isang halal na senador, nakasaad sa Kons­titusyon na maari siyang makibahagi sa mahahalagang proceedings sa Senado.

Tiniyak ni de Lima na ihahain ng kanyang mga abogado sa korte ang kaukulang mosyon para makasali siya sa impeachment trial sa tamang panahon.

Idinagdag din ni de Lima na bilang presidente ng Senado, alam ni Pimentel na kritikal na makasali ang minorya kabilang na siya sa isang sensitibo at maaring maging “game-changing” event sa kasaysayan ng bansa.

“I, therefore, hope for and anticipate the Senate President’s and the rest of my colleagues’ support for my participation therein, if and when the time comes,” ani de Lima.

Nauna ng sinabi ni Pimentel na kailangan ng boto ng 16 miyembro ng Senado para tuluyang mapatalsik si Sereno sa puwesto.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with