^

Bansa

1 pang suspek sa pagpatay kay Demafelis nahuli na sa Syria

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
1 pang suspek sa pagpatay kay Demafelis nahuli na sa Syria

Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, si Mona Hassoun ay nasa kamay na ng International Police Organization (Interpol) sa Damascus, Syria. 

Presidential photo

MANILA, Philippines — Naaresto na ang ikalawang suspek sa pagpatay sa OFW na si Joanna De­mafelis at hawak na ito ng Syrian authorities.

Ayon kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano, si Mona Hassoun ay nasa kamay na ng International Police Organization (Interpol) sa Damascus, Syria.

Una nang nahuli ang asawa ni Hassoun na si Nader Essam Assaf sa bansang Lebanon. Ang mag-asawa ay mga amo ni Demafelis nang nagtrabaho ito sa Kuwait.

Umaasa naman ang pamilya ni Demafelis na malulutas ang kaso nito sa lalong madaling panahon.

Magugunita na kamakailan ay dinalaw ni Pangulong Duterte ang burol ni Demafelis sa Sara, Iloilo at nakiramay ito sa pamilya ng naiwan ng OFW.

Nagkaloob ng tulong pinansyal ang Pangulo sa naulila ni Joanna at nanawagan ng hustisya para sa pinaslang na Pinay na ang bangkay ay isinilid sa freezer nang buhay.

Nagpatupad din ng total deployment ban ng OFW sa Kuwait matapos ang pagkadiskubre sa bangkay ni Demafelis at mga ulat ng pagmaltrato sa mga OFW.

Related video:

vuukle comment

DFA SEC. ALAN PETER CAYETANO

OFW JOANNA DE­MAFELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with