^

Bansa

Digong no-show sa EDSA anniv. pero nanawagan ng pagkakaisa

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong no-show sa EDSA anniv.  pero nanawagan ng pagkakaisa

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siyang magdudulot ang makasaysayang event na ito ng pagyaman ng pagkakaisa ng bawat Pilipino.  

Presidential photo

MANILA, Philippines — Kahit ‘no-show’, nakiisa si Pangulong Duterte sa paggunita ng bansa sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na umaasa siyang magdudulot ang makasaysayang event na ito ng pagyaman ng pagkakaisa ng bawat Pilipino.

Iginiit nito na simula noon, ang rebolusyon sa EDSA ang nagsilbing “sagisag” ng pa­ninindigan ng mga Pilipino na ipaglaban ang tama, ipagtanggol at ipagsanggalang ang malayang pamumuhan ng mamamayan ng bansa.

“Nawa ay pagkaisahin tayo ng okasyong ito sa pagtupad ng ating mga adhikain at mithiin para sa ating bayan,” wika ni Pangulong Duterte.

Gayunman, umapela rin ang Punong Ehekutibo na lalong pagyamanin ang demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas aniya sa mamamayan, pangangalaga sa mga karapatan ng mga ito at pagpapatatag na rin sa mga institusyong nagtataguyod ng kalayaan ng bawat isa.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dadalo si Pangulong Duterte sa anumang EDSA commemoration events sapagkat nasa Davao raw ito.

Ito na ang ikalawang taon na hindi dumalo ang Pangulo sa commemoration activities ng EDSA People Power.

Related video:

vuukle comment

EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION

PANGULONG DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with