Noynoy sasalang sa Dengvaxia probe
MANILA, Philippines — Haharap ngayong araw sa pagdinig ng joint hearing ng House committees on Good Government and Public Accountability at Health si dating pangulong Noynoy Aquino at iba pa niyang dating opisyal kaugnay sa kontrobersiya sa Dengvaxia.
Kinumpirma ni Surigao del Norte Rep. Johnny Pimentel na inimbitahan nila si Aquino para bigyang linaw kung binigyan ba niya ng otorisasyon ang paglalabas ng P3.5 billion na pondo para sa pagbili ng Dengvaxia vaccine mula sa French pharmaceutical company Sanofi Pasteur.
Bukod, dito nais din nilang silipin kung saan kinuha ang pondo para sa programa ng Department of Health (DoH) gayung hindi naman ito kasama sa 2016 General Appropriations Act (GAA).
Bukod kay Aquino, inaasahan din na haharap sa Kamara si dating Budget secretary Butch Abad.
Ayon kay Buhay Party List Rep. Lito Atienza na siyang nag-mosyon para ipatawag ng komite ang dating pangulo at iba pa, na marami ang anggulo sa imbestigasyon ng Dengvaxia pagdating sa medikal na aspeto subalit hindi pa rin malinaw kung sino ang mga nasa likod ng pagpapatupad ng nasabing programa ng DoH.
Related video
- Latest