^

Bansa

Presyo ng petrolyo tumaas uli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng petrolyo tumaas uli

Sa datos buhat sa Department of Energy (DoE), tinatayang nasa pagitan ng P.80-P.90 kada litro ang idaragdag sa presyo ng diesel, P.55-P.65 kada litro sa gasolina at mas mataas na P1-P1.10 kada litro naman ang imamahal ng kerosene.   Artemio A. Dumlao

MANILA, Philippines — Maagang nagtapos ang naranasang rolbak sa presyo ng petrolyo sa bansa dahil sa inaasahan na muling pagtataas sa halaga ng mga produkto ng mga kumpanya ng langis ngayong papasok na linggo.

Sa datos buhat sa Department of Energy (DoE), tinatayang nasa pagitan ng P.80-P.90 kada litro ang idaragdag sa presyo ng diesel, P.55-P.65 kada litro sa gasolina at mas mataas na P1-P1.10 kada litro naman ang imamahal ng kerosene.

Sa nakalipas na dalawang linggo, umabot din ng mahigit P2.00 kada litro ang nai-rolbak sa presyo ng diesel, gasolina at kerosene na inasahan ng mga motorista na magtutuluy-tuloy na.

Hindi pa naman pinal ang naturang mga presyo dahil sa aantayin pa ang ‘cut-off’ sa presyo sa internasyunal na merkado nitong nakaraang Biyernes at sa Lunes pa eestimahin at normal na ipinatutupad tuwing Martes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with