^

Bansa

Pinoy scientists, militar magsasalita sa Benham Rise

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pinoy scientists, militar magsasalita sa Benham Rise

MANILA, Philippines — Magbibigay na ng kani-kanilang panig at pananaw ang mga Pinoy scientist ukol sa Benham Rise issue sa pagdinig ng Senado ngayon na pangungunahan ni Sen. Bam Aquino.

“Pakinggan natin ang panig ng ating mga scientists, researchers at experts. Our Filipino scientists deserve respect, recognition and resources from our government,” sabi ni Sen. Bam, na pangungunahan ang pagdinig bilang chairman ng Committee on Science and Technology.

“Gusto natin alamin mula sa mga eksperto kung ano ang lawak ng likas na kayamanan ng Pilipinas sa Benham Rise at kung ano nga ba ang banta ng China dito. Tatalakayin rin natin ang kailangan na pondo at tulong para sa ating local research programs,” dagdag ng senador.

Sa pagdinig, inaasa­hang ipakikita ng mga lokal na scientist ang resulta ng kanilang pagsasaliksik habang ihahain naman ng mga opisyal ng pamahalaan ang plano para sa Benham Rise o Philippine Rise, isang 13-milyong hektarya ng underwater plateau.

Bukod sa lokal na scientists, dadalo rin ang matataas na opisyal ng military at pamahalaan sa hearing upang magbigay linaw sa research na ginawa ng China sa Benham Rise at talakayin ang iba pang isyu ukol sa nasabing teritoryo ng Pilipinas.

Mahalaga anyang maimbestigahan ang isyu dahil teritoryo at likas na yaman ng bansa ang nakataya, lalo pa’t pinangalanan na ng China ang ilang bahagi ng Benham Rise.

Related video:

 

vuukle comment

BENHAM RISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with