^

Bansa

Recruiters ni Demafelis tugisin!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Recruiters ni Demafelis tugisin!

Kinumpirma ito kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng ulat na naaresto na ang isa sa employer ni Demafelis na si Nader Essam Assaf sa Lebanon. File

Duterte sa NBI

MANILA, Philippines — Inutusan na ni Pangulong Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin ang mga recruiters dito sa Pilipinas ni Joanna Demafelis, ang OFW na natagpuan sa loob ng isang freezer sa isang apartment sa Kuwait.

Kinumpirma ito kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng ulat na naaresto na ang isa sa employer ni Demafelis na si Nader Essam Assaf sa Lebanon.

Ayon kay Roque, nagpapasalamat ang Malacañang sa pagkakaaresto sa employer ni Demafelis at umaasa silang agad rin itong mapaparusahan sa ginawa sa Pinay.

“We’re thankful for the arrest but hoping that they will be prosecuted and punished soonest,” pahayag ni Roque.

Bukod kay Assaf, suspek din ang asawa nitong si Mona na isang Syrian national na hinihinalang nagtatago sa kanyang bansa.

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa NBI para matagpuan ang nasabing mga recruiter ni Demafelis.

Napaulat na ang Our Lady of Mt. Carmel Global E-Human Resources Inc. ang lokal na recruiter ni Demafelis na nagsara na noong 2016. 

Una rito, naniniwala si Labor Sec. Silvestre Bello III na makakatulong para maibalik sa normal ang diplomatic relation ng Pilipinas at Kuwait ang pagkakaaresto ng nasabing suspek.

Sinabi ni Bello na hindi maikakailang naging “shaky” ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait kasunod ng sinapit ni Joanna sa kamay ng mga amo sa Kuwait.

Ayon kay Bello, magkakaroon din ito ng positibong epekto para ikonsidera ni Pangulong Duterte ang pagbawi sa total deployment ban sa Kuwait.

Pero nilinaw ni Bello na mangyayari lamang ito kapag lumagda na sa memorandum of agreement (MOA) ang Kuwaiti government para sa dagdag proteksyon sa mga OFWs lalo sa mga domestic helpers.

Kabilang umano sa mahigpit nilang kinokontra ang tatlo hanggang apat na oras lamang na tulog ng mga Pinay domestic helpers, kawalan nila ng day-off, pagkain ng mistulang basura at pagkumpiska sa kanilang mga pasaporte.

vuukle comment

JOANNA DEMAFELIS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with