^

Bansa

No security threat sa EDSA anniv.

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
No security threat sa EDSA anniv.

Nabatid kay AFP-Joint Task Force (JTF) National Capital Region Commander Brig. Gen. Allan Arrojado na magpapakalat sila ng 200 puwersa upang tumulong sa 1,850 tauhan ng PNP para tiyakin ang seguridad sa okasyon. Boy Santos

MANILA, Philippines — Walang natatanggap na banta ang Armed For­ces of the Philippines (AFP) kaugnay ng paggunita sa ika-32 taong anibersaryo ngayon ng makasaysa­yang EDSA People Power 1 Revolution.

Nabatid kay AFP-Joint Task Force (JTF) National Capital Region Commander Brig. Gen. Allan Arrojado na magpapakalat sila ng 200 puwersa upang tumulong sa 1,850 tauhan ng PNP para tiyakin ang seguridad sa okasyon.

“We will deploy troops to help secure the nationwide commemoration of the Edsa People’s Power Revolution. So far walang monitored security threat,” anang opisyal.

Tatapatan din ng AFP ang 300 mga opisyal at tauhan ng PNP na magpapartisipa sa tradisyunal na Salubungan mula sa EDSA gate ng Camp Crame at Camp Aguinaldo at magsisipagmartsa patungo sa People Power Monument.

Bagaman wala silang natatanggap na banta sa seguridad ay mas mabuti na anya ang nakahanda sa lahat ng oras.

Ang Edsa People Power 1 ang nagpatalsik sa diktaduryang rehimeng Marcos noong Pebrero 22-25,1986 matapos ang 20 taong paghahari sa bansa.

Samantala pinayuhan ng PNP ang mga dadalo sa okasyon na hangga’t maaari ay transparent bag ang dalhin upang hindi na mahirapan sa security check.

Paiiralin ng PNP ang maximum tolerance sa hanay ng mga raliyista at pinakikiusapan din ang mga itong huwag magsipag-rally sa kasagsagan ng programa.

Inaasahan namang magsisidalo ang mga kila­lang personalidad sa gaganaping selebrasyon.

vuukle comment

ARMED FOR­CES OF THE PHILIPPINES

EDSA PEOPLE POWER 1 REVOLUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with