Roque kay de Lima: ‘Happy anniversary’
MANILA, Philippines — Nagpahatid kahapon ng pagbati si Presidential spokesperson Harry Roque kay Senator Leila de Lima sa paggunita ng unang taong anibersaryo nito sa kulungan.
“Let me first greet Senator Leila de Lima a happy anniversary,” pahayag ni Roque sa inilabas na statement.
Ayon kay Roque, ang pagkakakulong umano ni de Lima ay nagpapakita na buhay ang criminal justice system ng bansa.
“Senator De Lima’s incarceration shows that the criminal justice system in the Philippines is alive, effective and working,” pahayag ni Roque.
Si de Lima ay nakakulong dahil sa mga bintang na nakinabang ito sa negosyo ng iligal na droga.
Sinabi pa ni Roque na si de Lima umano ang buhay na simbolo na ang Pilipinas ay isa ng narco-state dahil ang pagkakaluklok umano nito sa puwesto ay dahil sa pera mula sa droga.
Tinawag din ni Roque si de Lima na “mother of all drug lords” dahil pinayagan umano nito ang pamamayagpag ng iligal na droga sa loob ng National Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng Justice department.
Matatandaan na ilang beses ng itinanggi ni de Lima ang mga akusasyon laban sa kanya.
- Latest