^

Bansa

Pagdawit kay Go propaganda lang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinawag na propaganda ng ilang political analyst ang pagdadawit kay Special Assistant to the President Bong Go sa Frigate deal ng Philippine Navy.

Sinabi ni Professor Ramon Casiple na nabigyan ng ibang anggulo ang isyu at nalaro ng media at nagtataka siya sa timing.

Kaugnay nito, sinabi ni Casiple na parang nakakaa­moy siya na mayroong paggalaw na nangyayari mula sa mga kritiko ng administrasyon na sinamantala ang isyu.

Naniniwala naman ang analyst na si Professor Ranjit Rye na ang isyu ng fake news o pagpapakalat ng disinformation ay matagal nang nangyayari sa iba’t ibang paraan tulad ng internet na maituturing na massive hightech platform na kayang magpakalat ng fake news nang napakabilis.

Binigyang diin ni Rye na malaki ang epekto ng disinformation sa ekonomiya at sa mamamayan na nabibigyan ng maling impormasyon kung saan nakabase ang kanilang pagtugon.

Related video:

vuukle comment

FRIGATE DEAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with