‘Quickie divorce’ bawal
MANILA, Philippines — Bawal ang “quickie divorce” sa panukalang Absolute Divorce and Dissolution of Marriage sa Kamara.
Ito ang nilinaw ni Albay Rep. Edcel Lagman at sinabing hindi papayagan sa ilalim ng panukala ang absolute divorce na nakabase lamang sa stipulation of facts o confession of judgement.
“The absolute divorce bill does not allow “drive thru”, “no-contest” or “quickie” divorces,” ayon pa kay Lagman.
Bawal din ang absolute divorce kung resulta ito ng coerced petition o convenient collusion.
Paliwanag pa ni Lagman, obligado naman ang public prosecutor na imbestigahan at tukuyin kung may sabwatan sa mga mag-asawa na gusto nang maghiwalay para maghain ng divorce petition.
Bukod dito, mabigat din ang parusa sa mga mag-asawang magsasabwatan para mag-diborsiyo dahil may katapat silang parusa na limang taong kulong at P2,000 na multa.
- Latest