^

Bansa

DNA data base isinulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Barbers na magkaroon ng sentralisadong DNA data base sa buong bansa.

Sa House Bill 7215 na inihain ni Barbers, sinabi niya na malaki ang maitutulong nito para mapabilis ang pagresolba ng krimen at pagtunton ng mga nawawalang indibidwal.

Gayundin ang pagkilala sa mga bangkay sa pagkumpirma ng paternity at iba pang family relationship.

Sakaling mapagtibay ang panukala, maglalatag ang gobyerno ng Philippine DNA database system na magiging repository ng DNA profiles ng mga Pilipino.

Bawal naman na isapubliko ang DNA records na hawak nito at ang lalabag dito ay maaaring  makulong ng hanggang walong taon at magmumulta ng kalaha­ting milyong piso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with