^

Bansa

Inday Sara kukuhain ang House speakership kay Alvarez?

Pilipino Star Ngayon
Inday Sara kukuhain ang House speakership kay Alvarez?

MANILA, Philippines — Malaki ang tsansa na tumakbo bilang kongresista si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kaya naman usap-usapan ngayon kung aagawin ba niya ang House speakership kay Speaker Pantaleon Alvarez.

Kinumpirma ni Duterte-Carpio ngayong Biyernes na muli siyang tatakbo sa 2019 midterm polls, ngunit itinanggi niya ang pagpasok sa Senado.

“Dalawa lang naman ang pupuntahan ko... Definitely, I will not run for senator so it's just city mayor or congressman," pahayag ng alkalde sa pulong-balitaan ng regional party na Hugpong Ng Pagbabago (HNP).

“Well everything is up in the air right now. We will discuss in the party what is best for Davao region,” dagdag niya.

BASAHIN: ‘Nagkamali ka ng binangga mo’

Kahapon lamang ay binanatan ni Duterte-Carpio si Alvarez matapos umano siyang tawaging bahagi ng oposisyon sa pagtatatag ng HNP.

“How dare you call me part of the opposition? Kapal ng mukha mo. You messed with the wrong girl,” sabi ng alkalde sa kaniyang social media account.

Agad namang pinabulaanan ni Alvarez ang alegasyon ng anak ng Pangulo sa pagsasabing wala siyang nababanggit na anumang laban sa alkalde.

Sinabi pa ni Alvarez na maaaring may mga taong nagpaparating ng maling mensahe sa alkalde para lumitaw na meron siyang ganoong pahayag laban dito.

“Istupido ba ako para sabihin iyon? Matagal na akong hindi nagsasalita sa harap ng maraming tao,” sabi pa ng Speaker.

Samantala, sinabi ni Mayor Duterte na wala siyang planong sumapi sa PDP-Laban.

May basbas anya ng kanyang ama ang pagbuo niya ng isang lokal na partido na tinatawag na Hugpong Pagbabago at nagsasanib sa apat na gobernador ng Southern Mindanao.

vuukle comment

HUGPONG NG PAGBABAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with